Hi sir,
If you have time pls come to the opening of "Apo Jess" tribute exhibit to Mr. Jess Noriega, comic artist of the 60's, 70's . Some of his original illustrations of said era will be on display.
This will be on Sept 19,2009 Sat. 6:00 pm. Hope you dan drop by.
Cecile Ochoa-Pagaduan
Sigwada Gallery
1921 Oroquieta St., Sta. Cruz, MM
copy-pasting this info from komikero.com
Si Mr. Jess Noriega, o “Apo Jess” sa pagkakakilala ng iba, ay isang manunulat at dibuhista ng komiks magsimula noong 1957. Nakilala siya sa kanyang mga ginawang art covers, at sa pagpasok ng 1970 siya ay nakumbida ng manager ng Graphic Arts Services Inc. (GASI) na si Tony Velasquez na magdibuho para sa kanila (Si Tony Velasquez ang siyang gumawa ng unang Filipino comics strip na “Kenkoy”). Kabilang ang Teens Weekly sa mga komiks na nagawan ni Apo Jess ng art cover. Sa komiks din na iyon ay nagdibuho siya ng mga maiikling kuwento tulad ng “Lola Goyang.” Lumabas rin sa Holiday Komiks ang “Gina at Aladino” na sulat at dibuho ni Apo Jess. Sa katapusan ng 1970 ay nakapagdibuho si Apo Jess sa kilalang Liwayway Publications. Siya ang sumulat at nagdibuho ng mga kuwentong “Anarda” at “Bokbok” na isinalin sa wikang Ilokano para sa Bannawag magasin. Nagretiro siya noong 1982, at sa kasalukuyan ay may arts and sign na negosyo.
Bukod sa mga komiks at painting ni Apo Jess, kasama rin sa exhibition ang mga fan art ng ilang mga dibuhista ng mas nakababatang henerasyon. Inaanyayahan namin kayo na dumalo sa opening ng exhibit sa Setyembre 19, 6pm. sa Sigwada Gallery, 1921 Oroquieta St., Sta Cruz, Manila.