A letter from Marica ( about her missing husband, a soldier in Mindanao)

guys,
just received this email seconds ago..and im posting it here..its kinda weird that i got this email...from Marica Gonzales. I just dont know where did she get my email.

im posting it here..and i think this is a public announcement

is this some sort of spam??? scam??? or a viral advertisement?
the construction of the letter is written well done.

--

romMarica Gonzales
reply-tomarica.gonzales@gmail.com
to
dateThu, Feb 19, 2009 at 10:44 PM
subjectIsang liham mula kay Marica

hide details 10:44 PM (16 hours ago)
Reply

Ako po si Marica. Nakatira po ako sa isang maliit na bahay sa Barrio Obrero sa Tanay Rizal. Kasama ko po dito ang 8 taong gulang na anak kong si Jovy.

May asawa po ako. Timoteo Gonzales ang pangalan niya. Isa po siyang sundalo na nadestino sa Mindanao. Mag-iisang taon na po siyang nawawala. Hindi ko po mapaliwanag ang pangungulila na nararamdaman namin ni Jovy ngayon. Hindi ko pa nalilimutan ang huling yakap ni Timoteo nung siya’y nagpaalam. May ngiti sa aming mga mukha pero may pangangamba sa aming mga puso na maaaring yun na ang huli naming pagkikita.

Umaasa pa po akong babalik si Timoteo. Araw araw ko pa ding hinahanda ang paborito niya sinangag na may toyo. Madalas pa din akong nakatitig sa pintuan at nagdadasal na magbukas ito para salubungin niya kami ni Jovy. Kung susundan ko ang pahiwatig ng aking isip ay dapat mawalan na ako ng pag asa. Subali’t ang puso ng isang asawang nagmamahal at isang anak na nangungulila kailanman ay hindi mamamatay.

Nananawagan po ako sa mga militar at kinauukulan. Kung mayroon po kayong nalalaman tungkol sa Timoteo ko, ipagbigay-alam niyo lang po sa amin. Nagmamakaawa po ako.

Alam kong babalik pa sa amin ang Timoteo ko. Hinding-hindi po ako mawawalan ng pag-asa. Kung mayroon lang po sa inyong makakita sa kanya, paki sabi po na narito kami ng anak niyang maghihintay na muli kaming magkasama-sama .

Maraming Salamat po.

Marica Gonzales