Marica Gonzales is back with a new email message


Marica Gonzales

check out the viral email from Marica, looks like she's happy now ahaahaha.
to know more about Marica, visit my blog page about the Marica Gonzales letter and the toyoserye. I'm really glad that this is just a viral ad for a soy sauce. And now lets go back to our regular programming..
--
from: Marica Gonazales

Lubos akong nagagalak dahil pinagtuunan niyo ng pansin ang aking liham. Pasensya na sa abala. Kasama ng aking anak na si Jovy, ako'y nagpapasalamat sa mga sumulat sa akin. Ang inyong mga liham ay nagsisilbing tanglaw sa pinakamadilim na bahagi ng aking buhay, dagdag lakas sa likod ng aking paniniwalang, ang naglahong pag-ibig muling magbabalik. Nararamdaman ko buhay ang aking Timoteo. Di ko feel ang mabiyuda noh, bata pa ako.

Ang bango mula sa aking Soy Sauce rice gamit ang Datu Puti Soy Sauce ang magsisilbing gabay ng aking nawawalang kabiyak pabalik sa kin. Walang isang araw na lumipas na hindi ko ako umasa na muli kami ay magkikita. At dadampi ang kanyang halik sa aking labi. Haaay. Kinikilig na ako.

Pasensya na muli. Wala akong maipakitang larawan niya. Ilalarawan ko na lang siya sa inyo. Nangungusap ang mga mata. Nakakapanlambot ng tuhod ang kanyang mga titig. Mapula ang labi. Matipuno ang katawan. Nakakapanghina ang kakisigan. Maalon ang buhok. Matangkad. Maputi siya pero dahil sa kanyang trabaho bilang sundalo, nangitim na siya.

Sa ABS-CBN AT GMA 7, ilalahad ko ang kwento ng pag-ibig. Sana napanood niyo na ang unang kabanata. Painit pa lamang ang kuwento. Subaybayan niyo ang susunod na kabanata.


Nagmamahal sa inyo,


Marica


P.S.

Try niyo naman ang Soy Sauce Rice. Maggisa ng bawang sa mantika. Isinangag ang kanin. Lagyan ng Datu Puti Soy Sauce ayon sa panlasa. Haluuin hanggang ang bango ay sumambulat sa hangin. Tikman. At maiintindihan niyo kung bakit ito ang paborito ng aking kabiyak.

Mwah!